Tuesday, June 9, 2009

Influenza A H1N1 in the Philippines












Ang kompirmadong may H1N1 influenza A ay ang taong nagpositibo sa H1N1 influenzaA virus sa pamamagitan ng Polymerase Chain Reaction o pagpapadami ng virus sa laboratory hanggang ito ay matukoy na H1N1.

May suspetsa lamang kung ang tao ay may lagnat, sipon, ubo, pangangati ng lalamunan at kompirmadong pakikisalamuha sa may sakit ng H1N1 influenza A.




Mga High risk groups o possibleng madaling mahawaan ng A H1N1 virus at possibleng magkaroon ng komplikasyon:



• Bata limang (5) taong gulang pababa
• Matanda Sixty-five (65) taong gulang pataas

• Nineteen-years (19) taong gulang pababa na umiinom ng aspirin

at mga pasyente na may matagal ng sakit o chronic disease gaya ng hika, copd, sakit sa puso, kanser, diabetes, sakit sa dugo at malnourished na bata.

Paano nakakahawa: nakukuha ito sa pagkakaroon ng contact sa respiratory droplets o bodily fluids mula sa may sakit gaya ng kissing, embracing, paglanghap ng bahing, paghawak sa droplet papunta sa bibig o ilong, at parehong paggamit ng kubyertos. Hindi kasama dito ang paglakad o pag-upo ng malapit sa may sakit.

Isolation o social distancing — Ang self isolation ay ang pagkukulong sa kuwarto na nakasarado ang pintuan kung nakaramdam ng sintomas. Gagawin ito sa pitong araw o 24hrs mula nang nawala ang mga sintomas ng sakit. Kung kailangan umalis, magsuot ng face mask or N95 Respirator. Panatilihin din ang wastong paghugas ng kamay.

Face masks and respirators — Ang paggamit ng face mask o N95 respirator ay hindi kinakailangan kung hindi naman high risk. Gagamitin lamang ito sa mga mataong lugar o
may close contact sa mga mataong lugar na may possibleng H1N1 infection. Hanggat
maaari ay lumayo ng >6 feet mula sa may sakit. Kung hindi maiwasan, kailangan magsuot ng face mask or N95 respirator.

Bakuna: Ayun sa pagsusuri, maaaring meron o walang cross-protection ang ibang flu vaccine laban sa H1N1 Influenza A.

Sources:World Health Organization at Center for Disease Control, 2009

No comments:

Post a Comment

LinkWithin